High Level Emergency Team, pinabubuo ng isang mambabatas para sa pagpapalikas ng mga Pilipino sa Gaza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling hiniling ni Batangas Rep. Gerville Luistro sa pamahalaan na magpatupad na ng forced repatriation sa mg Pilipino sa Gaza.

Aniya, sa kasalukuyan ay boluntaryo lamang ang pagpapauwi sa mga Pilipino na nakatira sa apektadong lugar ng gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Ngunit dahil sa kritikal na sitwasyon ay mas mainam aniya na pauuwiin na ang lahat ng Pilipino sa lugar.

“As of now, the Department of Foreign Affairs (DFA) is implementing a voluntary repatriation of our Overseas Filipino Workers in war torn Gaza. This can only mean that only those who would choose to, would leave. This cannot be the approach as time is critical. We should contact each and every Filipino in Gaza and order them to leave and find a way to lead them home,” ani Luistro.

Naganunsyo na ang Israel ng pagpapalikas ng mga nasa Gaza.

Aniya, sa pagtaya ng mga analyst ito ay posibleng paghahanda sa ground attack kontra Hamas.

Para naman maisakatuparan ang mabilis na pagpapauwi sa mga kababayang Pilipino, iminungkahi ni Luistro na bumuo ng isang high level emergency team na binubuo ng undersecretaries ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Mainam aniya na pangunahan ito ng isang military general na maglalatag ng evacuation plan.

Dapat ay agad na rin aniyang ipadala ang grupo at ang resources sa Gaza para sa paglilikas.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us