Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang paghahanda para sa Undas ngayong taon.
Ayon sa LGU, lahat ng public cemeteries ay sumailalim na sa cleaning operations ng City Environmental Management Department (CEMD) at Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD).
Sa ngayon, nasa mahigit 70 porsyento ng lahat ng public cemeteries ang tapos nang linisin at isusunod din agad nila ang private cemeteries bago matapos ang buwan.
Sinabi ni City Mayor Dale Gonzalo Malapitan, pinaaga ang paglilinis sa mga sementeryo dahil inaasahan na ang maagang pagdagsa ng mga tao para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Nagpaalala ang alkalde sa lahat na magplano ng maaga at maging mapagmatyag sa pagpunta sa mga sementeryo sa Undas.| ulat ni Rey Ferrer