Bicol Intercity Transport Cooperative, hindi makikilahok sa nationwide transport strike na ikinasa ng Manibela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi makikilahok ang Bicol Intercity Transport Cooperative (BITCOOP) sa ikinasang nationwide tigil pasada ng grupong Manibela ngayong araw.

Nagbigay pahayag ang BITCOOP na walang dapat ikabahala ang mga commuter sa rehiyon dahil tuloy ang biyahe ng mga pampasaherong jeep, bus at AUV ngayong araw.

Anila, nanatiling pangunahing layunin ng BITCOOP ang magbigay serbisyo na maihatid ang mga pasahero sa kanilang mga pupuntahan. Ayon pa sa kooperatiba, suportado sila sa PUV Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us