Hacking incident sa website ng Kamara, iniimbestigahan na ng DICT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagkaroon ng cybersecurity incident sa website ng House of Representatives (HOR) nitong linggo, October 15.

Sa isang pahayag, sinabi ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso na nakatutok na rin sila sa insidente at nakikipag-ugnayan na sa Kamara para sa imbestigasyon sa nangyari.

Kabilang sa dinedetermina na ng DICT ang lawak ng posibleng naapektuhan ng pag-hack sa website ng Kamara.

“We are in constant communication and coordination with the HOR and are currently investigating the extent of the said incident. We shall provide further updates to the public as soon as they become available,” ayon sa DICT.

Batay sa report, pasado alas-11:00 ng umaga kahapon nang ma-hack ang HREP website kung saan may mensaheng nakalagay na “Happy April Fullz, kahit October palang! Fix your website.”

Nakasaad din sa mensahe ang ginamit na username ng hacker na “3musketeerz.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us