Mga sasakyan ng Pasig LGU, nakaantabay sa posibleng pag-aalok ng LIBRENG SAKAY sakaling may maapektuhan ng tigil-pasada sa kanilang lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pinakahuling sitwasyon kaugnay ng ikinasang tigil-pasada ng ilang grupong pangtransportasyon ngayong araw.

Katunayan, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, naka-standby ang kanilang mga sasakyan para umalalay sa mga pasahero sakaling maapektuhan sila nito.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang kanilang Traffic and Parking Management Office sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) gayundin sa Pasig Police para sa agarang pagresponde sakaling kailanganin.

Kabilang sa mga ipakakalat ng LGU ay ang kanilang limang unit ng City Bus, dalawang Military Truck, apat na Truck, walong unit ng L300, isang unit ng Commuter Van, isang unit ng H100, at dalawang unit ng All Purpose Vehicle (APV).

Bukod pa ito sa mga patrol vehicle ng bawat barangay na aalalay din para sa paghahandog ng libreng sakay sa mga maii-stranded na pasahero.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Mayor Sotto na tanging ang ruta ng jeepney na Pasig-Quiapo ang alam nilang sasama sa tigil-pasada kaya’t daragdagan nila ang ruta ng kanilang mga sasakyan sa LGU.

Pero tiwala naman si Mayor Sotto na marami pang UV Express at modernized jeepney na papasada sa kaparehong ruta. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us