QCPD, handa ring magbigay ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaapektuhan ng transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Quezon City Police District (QCPD) Chief Police Brigadier General Red Maranan ang mga tauhan ng QCPD na magbigay ng “Libreng Sakay” sa lahat ng commuter na mahihirapang sumakay dahil sa nationwide transport strike ng grupong Manibela.

Bukod pa ito sa libreng sakay na regular na ibinibigay ng Quezon City LGU.

Ayon kay Brig. Gen. Maranan, titiyakin nitong walang maapektuhan ng tigil-pasada lalo na ang mga estudyante at mga manggagawang papasok sa trabaho.

Buko sa libreng sakay, nakatutok na rin ang QCPD sa pagtitiyak ng seguridad sa mga lugar kung saan inaasahang magkakasa ng kilos-protesta ang ilang transport groups.

Paiigtingin din ang Police visibility at magtatalaga ng checkpoints para mapigilan ang paglaganap ng mga iligal na aktibidad.

“Ang buong kapulisan ng QCPD ay buong pusong magbibigay serbisyo dahil ang kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayan ng Lungsod Quezon and aming uunahin,” ani Brig. Gen. Maranan.

Ayon sa QCPD, may tatlo lamang na transport group ang inaasahang sasali sa strike sa QC, habang mayorya ng mga jeepney ay tuloy lang ang byahe ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us