DFA, iniakyat na sa Alert Level 4 ang alerto sa Gaza, mandatory evacuation, agarang ipatutupad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inakyat na sa Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kasalukuyang alerto sa Gaza dahil sa patuloy na tensyon sa bansang Israel at ng grupong Hamas.

Ayon sa DFA sa naturang alerto ay agarang ipatutupad ang mandatory evacuation sa mga Pilipinong naninirahan o nagtatrabaho sa Gaza.

Kaungay nito, nasa 131 na OFWs ang nasa Gaza Strip at nasa 78 OFWs naman ang nasa Rafah border.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang hakbang ng ating pamahalaan sa repatriation process ng ating mga kababayan at patuloy na alalalayan ang ating mga kababayan na naipit sa kaguluhan sa Israel at Gaza Strip. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us