Ilang lungsod sa southern part ng Metro Manila, sinuspinde na ang klase ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido na ngayong araw ang ilang klase sa iba’t ibang lungsod sa southern part ng Metro Manila, kasunod pa rin ng tigil-pasada na ikinakasa ng ilang transport group ngayong araw.

Kabilang sa mga nagsuspinde ang Lungsod ng Las Piñas at Parañaque habang ang Lungsod naman ng Pasay ay suspendido lamang ang face-to-face classes pero tuloy ang online at modular classes.

Hindi naman nagsuspinde ang Lungsod ng Makati, Taguig, at Muntinlupa dahil na rin sa pahayag ng ilang transport group na hindi sila sasama sa tigil-pasada na pinangunahan ng Manibela. Pero nakahanda namang umalalay ang mga nasabing lungsod sa mga maapektuhang commuters sa pamamagitan ng mga government vehicles.

Samantala, batay sa ilang operators at LGU’s sa southern portion ng Metro Manila wala namang isasagawang welga o kilos-protesta dahil nakasuporta sila sa lokal government units at maging sa national government. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us