Mga nagbibigay ng lagay sa LTFRB, dapat ding imbestigahan — SEKYU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang non-governmental organization na SEKYU (Seguridad Kontra Katiwalian at Abuso) sa mga mambabatas na isama na sa kanilang gagawing imbestigasyon ang mga nakinabang sa umano’y “lagayan system” sa napaulat na korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang pahayag ay ginawa ng grupo nang sabihin ng Kongreso at National Bureau of Investigation (NBI) ang planong pagbusisi sa napaulat na anomalya sa ahensya at ang recantation ng LTFRB aid na si Jeff Tumbado hinggil sa naibulgar nitong anomalya sa LTRFB.

Si dating LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz ay sinuspinde kamakailan ng Malacañang dahil sa umanoy korapsyon sa ahensya at inakusahang tumanggap ng bribe mula sa transport group kabilang na ang service provider Grab.

Sinasabing may ₱25,000 per unit umano ang lagay ng Grab, samantalang, mula ₱50,000 hanggang ₱500,000 mula sa colorum AUVs.

Sa ginawa pang pagbubulgar ni Tumbado, mayroon umanong lagayan na aabot sa ₱5-milyon kapalit ng ruta, prangkisa, at special permit ng mga operators bukod sa ₱2-milyong quota kada buwan ng mga regional directors ng LTFRB.

Una nang pinagbabayad ng Philippine Competition Commission (PCC) ng makailang beses ang Grab dahil sa iba’t ibang competition concerns at nitong huli lamang ay ang kaso na hindi pa tapos dinggin sa LTFRB hingil sa overcharging sa mga pasahero tuwing rush hours. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us