Sapat na suporta para sa mga mangingisda, panawagan ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas na bigyan ng karampatang suporta ang mga malilit na mangingisda.

Ito ay sa gitna na rin ng pagtaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng isda sa huling bahagi ng taon.

Ayon sa BFAR bababa ng hanggang 57,839 MT ang huli ng isda sa 4th quarter ng taon dahil sa closed fishing season.

Sa ilalim ng House Bill 1676 ng mambabatas o Small-Scale Farmers Cooperative Act, bubuo ng kooperatiba o grupo ang mga marginalize fishermen upang mas maging madali ang proseso ng pagpapaabot sa kanila ng tulong gaya sa mga kagamitang pangisda, bangka at cold storage.

Sa paraang ito naniniwala si Vargas na matitiyak ang kakayanan at kapasidad ng mga maliliit na mangingisda na mapataas ang huli at makatulong sa food security gayundin ang mas mataas na kita para sa kanila.

“The policy complements government efforts to create market linkages for the fishery cooperatives, provide them with capacity building and technical assistance so they are equipped to participate in competitive and sustainable marketing”, sabi ni Vargas.

Sa kasalukuyan, 1.3% ang ambag ng fisheries sector sa GDP ng bansa at tinatayang 1.6 million naman na trabaho. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us