Asahan na ang pagpasok ng amihan season o northeast monsoon sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.
Ayon kay PAGASA Specialist 2 Benison Estareja, tapos na ang panahon ng southwest monsoon o habagat at nasa transition period na para sa pagpasok ng amihan.
Aniya, sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ay mararamdaman na ang malamig na panahon.
Sabi pa ni Estareja, ang hanging amihan ay magmumula sa Mainland Asia partikular sa China at Siberia.
Noong Oktubre 11, idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng habagat season. | ulat ni Rey Ferrer