Sunud-sunod ngayon ang paghahayag ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng kanilang pagsuporta sa liderato ng Kamara at pagtindig para sa institusyon.
Sa isang kalatas, muling inihayag ng Partylist Coalition Foundation o PFCI na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang pagsuporta at pagkilala sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez gayundin ang kanyang pagdepensa sa Kapulungan.
Patunay anila dito ang mataas na approval rating na natanggap ng Kamara.
Malaking bagay din anila ang desisyon ng House leader na ilipat ang confidential funds ng civilian agencies sa mga ahensya na nangangalaga at nagbabantay sa West Philippine Sea.
“Under Speaker Romualdez’s guidance and inspiration, the House has achieved an unprecedented highest approval rating in its history, transforming it into one of the nation’s most respectable institutions…The House has flourished under his supervision, as shown in numerous metrics that reflect his strategic and resilient administration.” saad sa pahayag ng PCFI.
Sa kani-kanilang social media account ay ipinakita rin ng iba pang kongresista ang pagtindig para sa House of Representatives
Ayon kay Quezon City Rep. Franz Pumaren, laging inuuna ni Romualdez ang transparency at pagsisilbi.
Kaya naman sa screening process ng Commission on Audit sa paggugol ng pondo ng Kamara ay pumasa ito.
“We, at the house of Representatives believe in and standby House speaker Martin Romuladez. He has always put transparency and service as his first priority. If we can check the latest COA audit last October 2, 2023, it shows that through the leadership of speaker Martin, the HOR has no disallowance, no notice of suspension, and no notice of charge. The HOR passed the COA thorough screening process.” ani Pumaren.
Ang rookie solon naman na si Davao Oriental Rep. Cheeno Almario, sinabing malaking karangalan na magsilbi sa Kongreso na inuuna ang katapatan at paglilingkod sa publiko.
“The House of Representatives has always been at the forefront of championing the needs and aspirations of our countrymen. Our records, which are open to public scrutiny, are a testament to our dedication to fiscal responsibility and transparency.” saad ni Almario.
Para naman kay Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora, hindi man perpekto bilang institusyon, ay ipinakita ng 19th Congress ang dedikasyon nito sa mabilis na pagpasa ng mga prayoridad na batas, at pagpapadali sa proseso ng paglapit ng mga serbisyo ng gobyerno sa mas maraming Pilipino.
Dagdag pa nito na ang institusyong patuloy na binabatikos ay siya ring institusyon na nangunguna sa pagsiguro na maipatayo ang mga kinakailangang imprastraktura at serbisyo.
“I stand with the House of Representatives. Sa lahat ng mga isyu na ipinupukol ngayon sa House of Representatives, nais ko lamang ipaabot ang aking buong suporta at patuloy na pagtitiwala sa aking mga kasamahan sa Kongreso, sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez, at sa lahat ng mga empleyado na patuloy na nagtatrabaho, may session man o wala, para maipaabot ang iba’t-ibang serbisyo ng gobyerno sa bawat Pilipino…Kaya ang aking panawagan, sa halip na magbangayan at mag-away-away, ay magka-isa na tayo, sama-sama na tayo patungo sa Bagong Pilipinas.” ani Zamora
Ang tugong ito ng mga mambabatas ay matapos batikusin ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang Kamara sa isang panayam kung saan tinawag niya ito bilang pinaka-corrupt na institusyon.
Una nang naglabas ng pahayag ang mga lider ng mga political party sa Kamara ng pagdepensa sa House of Representatives mula sa mga mapanirang pahayag ng dating pangulo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes