Sen. Bato Dela Rosa, naniniwalang dapat pa ring bigyan ng CIF ang DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Titimbangin muna ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang pulso ng mga kapwa niya senador tungkol sa confidential and intelligence fund (CIF) ng mga civilian government agencies gaya ng Department of Education (DepEd), Office of the Vice President (OVP), Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Pero para kay Dela Rosa, nararapat lang na bigyan ng confidential fund ang DepEd para mapigilan ang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa mga kabataan.

Bagama’t wala aniyang problema ang senador kung tatanggalin ang CIF ng DepEd ay aminado siyang

nasasayangan siya sa oportunidad na malabanan ang recruitment ng CPP-NPA-NDF ng mga bata sa mga eskwelahan.

Ipinaliwanag rin ng mambabatas na kung ibibigay kasi sa DepEd ang CIF fund ay mas matututukan ang anti-insurgency sa mga paaralan kumpara kung ipapaubaya ito sa mga uniformed agencies gaya ng PNP at AFP.

Pagdating naman sa DICT, sinabi ni Dela Rosa na nagkakaisa naman silang mga senador na dagdagan ang budget ng ahensya para mapalakas ang laban kontra sa cybercrime.

Ang DFA naman aniya, bagama’t nais ng senador na mabigyan sana ng CIF para sa international strategic intelligence ay una naman nang tumanggi na mabigyan sila ng CIF. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us