Muling isusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang interes ng mga Pilipino sa sidelines ng pagdalo nito sa ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia sa October 20.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Asec. Daniel Espiritu na ipipresenta ng pangulo ang Maharlika Fund sa KSA.
Bahagi pa rin ito sa effort ng pamahalaan na makapanghatak ng mamumuhunan, papasok ng bansa.
Magkakaroon rin ng business roundtable kasama ang Arab businessmen.
Sa magiging pulong naman ng pangulo kasama ang lider ng Saudi at Bahrain, isusulong ng pangulo ang proteksyon ng mga Pilipino, labor reforms, at assistance para sa development ng BARMM.| ulat ni Racquel Bayan