Naka-heightened alert status na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon pagkatapos ng ipinatawag na Command Confernce ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.
Ayon kay Dubria hindi nila ibababa ang kanilang alert status hanggang Undas, kung saan magiging abala naman ang publiko sa pagdalaw sa sementeryo at pagbiyahe sa long weekend.
Samantala, nakapagsagawa na ang Pulisya ng 251,592 checkpoint operations mula nang magsimula ang election period noong August 28.
Nakumpiska ng pulisya ang 1,103 baril habang nahuli ang 1,479 indibidwal sa paglabag sa Gun Ban.
Nasa 995 baril ang isinuko sa pulisya at 1,905 baril ang idineposito para sa safekeeping. | ulat ni Leo Sarne