Gold Medalist Meggie Ochoa, kinilala at binigyang parangal ng San Juan LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala at parangal ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan si Margarita “Meggie” Ochoa.

Ito’y matapos magwagi si Ochoa ng gintong medalya sa Jiu-Jitsu Women’s 48KG Category sa 19th Asian Games.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking karangalan aniyang maging kababayan ang isang kampeon.

Magsisilbi aniyang inspirasyon si Meggie sa iba pang kabataang San Juaneño na nais ipursige ang pangarap.

Sinabi pa ni Zamora na bilang isang atleta, batid niya ang hirap na dinanas ni Meggie.

Kaya naman nararapat lamang aniya siyang bigyan ng pagkilalang angkop sa isang kampeon.

Maliban sa pagkilala, nag-uwi pa si Meggie ng ₱200,000 cash incentives mula sa San Juan LGU.

Nasa ₱100,000 rito ay mula sa Ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod.

Habang ang nalalabi pang ₱100,000 naman ay mula sa sariling bulsa ni Mayor Zamora.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us