Klase sa Caloocan at Malabon, balik face-to-face na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na sa face-to-face setup ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Caloocan at Malabon ngayong araw, October 17, 2023.

Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Schools Division Office (SDO) sa dalawang lungsod.

Una nang kinumpirma ng Caloocan Police na hindi naramdaman sa lungsod ang transport strike ng grupong Manibela dahil marami pa ring jeep ang bumiyahe.

Ayon naman sa Malabon LGU, batay sa isinigawang monitoring ng Public Safety and Transportation Management Office (PSTMO) at Mayor’s Complaint and Action Team (MCAT) sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ay naging normal ang sitwasyon sa bawat lugar at patuloy ang pagpasada ng mga pampublikong sasakyan sa kabila ng banta ng nationwide transport strike.

Mananatili pa rin naman ang Libreng Sakay ng LGU upang umalalay sa mga commuter na maaaring maapektuhan ng patuloy na banta ng tigil-pasada. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us