Malaki ang pasasalamat ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa ipinakitang suporta sa kaniya ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez.
Nitong weekend nang maglabas ng joint statement ang political party leaders sa Kamara para kondenahin ang ginawang paninira at pananakot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hindi lamang kay Castro ngunit sa buong institusyon ng Mababang Kapulungan.
“I am grateful for the support and solidarity shown by House Speaker Romualdez and other party leaders during this challenging time. Their unwavering commitment to the safety and security of all lawmakers is commendable,” ani Castro.
Sa hiwalay naman na panayam kay House Secretary General Reginald Velasco sinabi nito na handa ang Kamara na magbigay ng dagdag na security kay Castro kung magre-request ang kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes