Iba pang sangkot sa hazing na ikinasawi ng isang 4th year Criminology student, pinasusuko ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga sangkot sa pagkasawi ng 4th year Criminology student na si Ahldryn Bravante na lumitaw na at sumuko sa Pulisya.

Ayon kay QCPD Spokesperson Lieutenant Colonel May Genio, bukod kasi sa apat na nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ay mayroon pa silang natukoy na higit 10 persons of interest sa insidente.

Pinasusuko na sila ngayon ng QCPD para mapakinggan ang kanilang panig.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na tinapon sa ilog sa Nagtahan ang Paddle na ginamit sa initiation rites ng Tau-Gamma.

Mga bottled water na lamang din umano ang na-recover ng Pulisya sa abandonadong gusali kung saan ginawa ang initiation rites kahapon.

Patuloy na rin ngayong nakikipag-ugnayan ang QCPD maging sa Philippine College of Criminology hinggil sa kaso.

Sasampahan naman ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 8049 o ang Anti-Hazing Law. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us