Lalaki, arestado sa Aurora Blvd. matapos mahulihan ng isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang makumpiskahan ng tinatayang isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana kaninang madaling araw.

Sa ulat ng QCPD, naaresto ang suspek na kinilalang si Denzel Ethan Kyte Baller Mejia dakong alas-4:05 ng madaling araw sa COMELEC Checkpoint ng Police Station 9 sa bahagi ng LRT Katipunan Station sa Aurora Boulevard, Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Nakuha mula rito ang nasa isang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱120,000 (Standard Drug Price Value).

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us