Muling isinara ng Kamara sa publiko ang kanilang official website matapos makaranas ng kahina-hinala at hindi pangkaraniwang aktibidad.
Sa isang statement na inilabas ni House Secretatary General Reginal Velasco, sinabi nito na ang boluntaryong pag-take down sa kanilang website ay bahagi ng kanilang cybersecurity measure.
“This action has been taken as a precautionary measure to double-check and reinforce the cybersecurity measures, we have undertaken, ensuring no vulnerabilities remain. Our primary concern is to guarantee the safety, integrity, and reliability of our digital platform for the citizens we serve.” ani Velasco
Humingi naman ng pang unawa ang opisyal sa publiko, kung hindi muna ma-access ang website na naglalaman ng mga public document at impormayson gaya ng mga panukalang batas at resolusyon.
Linggo nang ma-deface ang website ng Kamara. Pasado alas-4 ng hapon nitong Lunes naman nang maibalik ito.
Paliwanag naman ng IT Team Head ng Office of the Secretary General na si Dir. Arnold De Castro, bagamat naglagay na sila ng depensa, nang kanilang obserbahan sa magdamag ang sistema ay mayroon pa rin aniyang mga attempt para ito ay pasukin.
“We’re still looking into the situation at nag iimbestigate pa DICT at CICC for the culprit. Pero nung in-up po namin sya yesterday roughly around 4 pm or 5pm supposed to be the mitigation was done already. Yung original na port na pinasukan ng hacker. Kaya lang nung we did another scanning ang dapt overnight we later found out na maraming pang ine exploit na ibang backdoor an puwedeng pasukin nung mga hackers. We opted na i down na muna sya till we harden the system with securities.” sabi ni De Castro | ulat ni Kathleen Forbes