Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hindi humarap ang kinatawan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa isinagawang pagpupulong noong Huwebes, March 16, 2023.
Aalamin pa aniya ang dahilan kung bakit hindi nakaharap ang MARINA sa naturang clarificatory meeting.
Samantala, kinumpirma din ni Justice Secretary Crispin Remulla, na naipadala na ng DOJ ang mga subpoena sa mga ahensiya na may kinalaman sa usapin lalo na sa MARINA at Philippine Coast Guard, para sa lahat ng mga dokumentong kanilang hinihinigi sa iba’t ibang ahensya.
Layon din ng DOJ na alamin ang detalye sa lumubog na barko, kung anong eksaktong laman nito maging ang depinisiyon ng kanyang cargo.
Naninindigan din si Remulla, na may mga dapat managot sa naturang insidente at masampahan ng kasong kriminal sa usapin ng oil spill. | ulat ni Paula Antolin