House leader, nanawagan na maging kalmado sa pagpapalitan ng opinyon hinggil sa confidential funds

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si House Committee on Human Rights Chair at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr., na maging kalmado sa gitna ng mainit na usapin sa confidential funds.

Ayon sa mambabatas, mas nagiging produktibo ang pag-uusap kung idinadaan ito sa diyalogo lalo na kung kapakanan ng publiko ang nakasalalay.

Batid ng mambabatas, na natural sa mga lider na maging passionate o ipaglaban ang kaniya-kaniyang adbokasiya, ngunit maaari pa rin aniya itong gawin nang may kortesiya at paggalang sa isa’t isa.

“But even in our most intense debates there should always be room for comity and collegiality.” ani Abante

Punto pa ni Abante, na karapatan ng bawat panig na mapakinggan ang kanilang opiyon o saloobin sa usapin ng confidential funds ngunit sa huli ang interes pa rin ng mga Pilipino ang dapat manaig.

“Our foremost duty as public servants is to the Filipino people, and it is incumbent upon us to rise above personal and political divides to prioritize their welfare and the nation’s advancement,” sabi pa ni Abante. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us