Foreign Service Officer exam, itinakda na sa Enero 2024 – CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinakda na sa Enero 28, 2024 ng Civil Service Commission (CSC) ang Career Service Examination para sa Foreign Service Officer (FSO).

Tuloy pa ang pagtanggap ng CSC sa application ng interested examinees, hanggang sa itinakdang deadline sa Oktubre 20, 2023.

May option ang mga examinee na i-submit ang kanilang applications sa pamamagitan ng iba’t ibang channel.

Kabilang dito ang Department of Foreign Affairs (DFA) Consular Offices sa loob at labas ng Metro Manila, Philippine Embassies, Consulates, o Missions overseas, at sa BFSE Secretariat na nasa DFA Main Office sa Pasay City.

Ang Foreign Service Officer (FSO) examination ay isasagawa sa 18 testing centers sa buong Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us