Sen. Mark Villar, hinikayat ang pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan para matulungan ang mga Pinoy sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senador Mark Villar sa pamahalaan ng Pilipinas, na gawin ang lahat ng paraan para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong naiipit sa giyera sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group na Hamas.

Ginawa ng senador ang pahayag na ito matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 4 sa Israel at Gaza Strip, na nangangahulugan ng mandatory evacuation para sa mga Pilipino sa naturang lugar.

Binigyang-diin ni Villar, na dapat iprayoridad ang pagtulong sa mga Pilipino sa Israel at Gaza, at huwag silang pabayaan.

Kaya naman hinimok ng senador ang pamahalaan, na gamitin ang lahat ng available resources para mahanap ang mga nawawalang Pilipino, at ligtas na mapauwi dito sa Pilipinas ang lahat ng apektadong Pinoy.

Gayundin ang gamitin ang lahat ng available diplomatic channels para mapalaya ang mga dinukot na Pilipino.

Nanawagan rin si Senator Mark sa mga Pilipino sa Gaza, na iprayoridad ang kanilang kaligtasan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us