Handa na ang 11 malls ng Robinsons at SM sa bansa na pagdarausan ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Sa ginanap na Quezon City Journalist Forum, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson John Rex Laudiangco, sa 11 malls: dalawang malls sa Cebu at isa sa Legaspi sa Albay; at walo sa Metro Manila malls tulad sa QC Galleria at SM Fairview.
May early voting ding isasagawa sa Muntinlupa at Cebu para sa mga buntis, persons with disability (PWDs) at senior citizens.
Handa na rin ang lugar na pagdarausan ng election para sa mga bilanggo, at maging sa EMBO barangays na nasa pangangasiwa na ng Taguig.
Maging ang dalawang barangay sa Cavite at sa barangay Pasong Tamo, para sa tatlong barangay na natatanging pagdarausan ng pilot automated BSKE.
Ang resulta ng automated election sa tatlong barangay na ito aniya ang pagbabasehan kung gagawin ng automated ang susunod na BSKE sa December 2025.
Sa Quezon City aniya, ang barangay Silangan ang nailagay nila sa yellow alert dahil sa political rivalry.
Iniulat din ni Dr. Heidee Ferrer ng Department of Education-QC, na handa na rin ang kanilang 12,488 board of election officers at staff para sa pagdaraos ng halalan. | ulat ni Rey Ferrer