Isiniwalat ng Department of Science and Technology (DOST) na may ginawang application para sa pagkuha ng database matapos o sa kasagsagan ng kalamidad.
Magsisilbi ito upang magkakapareho ang database ng kada lokal na pamahalaan sa bansa.
Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum Jr., ito ay isang paraan upang magkaroon ng consistency ng mga database ng mga LGU.
Kaugnay nito, mayroong “Plan Smart Ready to Recover” na sinabi ng kalihim na ito ay automated.
Paliwanag ni Solidum, sa pamamagitan ng computer ay maipapakita nito ang mga plano na dapat gawin o assessment ng mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Ipinagmamalaki ng kalihim na ito ang kauna-unahang automated planning sa buong mundo sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at World Bank.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag