Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) na muling binuksan ang Laon Laan Station ngayong araw.
Ito ay matapos na isara at sumailalim sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ang nasabing istasyon para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Ayon sa abiso, muling binuksan kaninang ala-1 ng hapon ang naturang istasyon.
Samantala, plano naman ng PNR na isara ang Alabang hanggang Tutuban Station sa January 2024 upang bigyang-daan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway.
Inaasahang, nasa 35,000 na mga pasahero kada araw ang maapaektuhan nito. | ulat ni Diane Lear