Kinumpirma ni Secretary of Justice Crispin Remulla na nakatanggap ito ng text message mula kay Representative Arnulfo Teves, noong Lunes, na nais itong makausap.
Bagaman nakatanggap ito ng mensahe mula kay Rep. Arnie Teves, mas minabuti na lamang ni Sec. Remulla na huwag itong sagutin.
Aniya, ayaw nitong magulo o ma-destruct sa mga dapat nitong gawin kaugnay sa kaso, dahil nakatuon ito sa mga pagsuko ng mga suspek na may direktang partisipasyon sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.
Dagdag pa ni Remulla, ayaw nitong mapag-isipang bias sakali mang sagutin nito ang mensahe ni Teves bagkus may kasama ito sa kanyang tabi. | ulat ni Paula Antolin