ERC, ibinasura ang kahilingan ng NGCP na amyendahan ang 2022 Amended Rules for Setting Transmission Wheeling Rates

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon na inihain ng National Grid Corporation of the Philippine (NGCP), kaugnay sa pag-amyenda ng 2022 Amended Rules for Setting Transmission Wheeling Rates (Amended RTWR).

Sa isang kautusan na inilabas ng ERC, sinabi nito na hindi nito pinayagan ang kahilingan ng NGCP na ang Fourth Regulatory Period ay itakdaka mula sa taong 2016 hanggang 2020, imbes na sa 2016 hanggang 2022.

Bukod dito ay hiniling din ng NGCP, na ang pagkakaroon ng grassfires ay maklasipika bilang force majeure setting event, pati na ang hindi pagpayag sa National Transmission Corporation na maging bahagi ng rate-setting application ng NGCP.

Ayon sa ERC, mananatili ang Fourth Regulatory Period mula 2016 hanggang 2022, at iginiit ng komisyon na ang desisyon ay alinsunod na rin sa itinatadhana ng Electric Power Industry Reform Act at pagsusulong ng interes ng publiko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us