P10 pagbaba sa presyo ng bigas, ramdam sa pamilihang bayan ng Dagupan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang naitatalang pagbaba sa presyo ng bigas sa mga pamilihang bayan ng Dagupan City. Ang naitatalang pagbaba ng presyo ng bigas ay pangunahing dulot ng pagtaas ng supply ng bigas dahil sa anihan.

Ayon sa ilang mga rice retailers, bumaba na hanggang P10 ang presyo ng bigas mula noong nag-umpisa ang rice cropping season ngayong buwan ng Oktubre.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas, mas tumaas ang kilo na binibili ng mga mamimili mula sa rice retailers.

Ayon sa ilang rice retailers, unti-unti na silang nakarekober sa pagkaluging kanilang naranasan noong kasagsagan ng mataas ang presyo ng bigas.

Sa naunang panayam kay Department of Agriculture (DA) Region 1 Regional Director Annie Q. Barres, nasa 2.1 milyong metric tons ng palay ang projected rice production ng Rehiyon Uno para sa taong 2023.

Ang target na rice production ngayong taon ay mas mataas kumpara sa 1.9 million metric tons na naani noong taong 2022.

Dahil dito, umakyat sa 181% na ang sufficient rate ng Rehiyon Uno pagdating sa pangangailangan sa bigas.

Samantala, umaasa naman ang rice retailers at ilang mga mamimili na mas mapababa pa ang presyo ng bigas. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us