Nababala ang Department of Energy (DOE) sa publiko kaugnay sa mga indibwal na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng ahensya para makapanloko.
Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ng tanggapan ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella na mayroong mga indibidwal ang nagpapanggap gamit ang pangalan ng opisyal at nanghihingi ng donasyon para sa Philippine Red Cross.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na sa ilalim ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, pinagbabawalan ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na manghingi ng pera.
Nagpaalala naman ang DOE sa publiko na isumbong sa kanila ang mga ganitong insidente sa numero na 8479-2900 o mag-email sa [email protected].
Papatawan naman ng parusa ang sinumang mapatutunayang namemeke ng kanilang pagkakakilanlan at nagpapanggap na mga opisyal ng DOE. | ulat ni Diane Lear