Presyo ng bigas sa pamilihang San Quintin, Pangasinan, bumaba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ng P4-5 ang presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng San Quintin, Pangasinan kumpara sa presyo nito 2 linggo na ang nakararaan.

Sa kasalukuyan, ayon sa rice retailers na nakapanayam ng Radyo Pilipinas Tayug may mabibiling regular-milled rice na P36 hanggang P43 kada kilo. Ang well-milled rice ay nasa P44-P46 kada kilo.

Bukod dito mayroon ding premium rice na P46-P53 per kilo habang ang per kilo ng Special rice ay nasa P54-P57.

Paliwanag ng mga nagtitinda ng bigas bahagyang bumaba ang presyo dahil anihan na gayunpaman nakadepende pa rin ang kanilang presyuhan sa presyo ng palay na mabibili mula sa mga magsasaka. Ngayon daw nasa mahigit P20 pa ang bili nila ng palay.

Samantala, bagamat umaasa ang ilang mamimili na magbalik sa dati ang presyo ng bigas ay naaawa pa rin ang mga ito sa mga magsasaka lalo at mataas din ang nagagastos sa farm inputs.| ulat ni Marie Mildred Estrada-Coquia| RP1 Tayug

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us