Nigerian at Pinay girlfriend sa likod ng ‘Package scam,’ arestado ng ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang Nigerian at ang kanyang Pilipinang girlfriend na nasa likod ng “package scam” sa operasyon sa Pampanga nitong Lunes.

Sa ulat ni ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, ginamit ng mga suspek ang Facebook account na “Camille C. Wallace” para makipagkaibigan sa biktima noong October 2, at nakumbinsi nila ito na may package na ipinadala sa kanya na naglalaman ng pera at mga mamahaling antigo.

Kasunod nito, isang nagpakilalang “Sandra Santos” ang tumawag sa biktima at sinabing dumating na sa bansa ang package pero kinakailangang magbayad ang biktima ng malaking halaga para sa delivery fee, insurance, at kung ano-ano pa.

Nagsumbong na sa ACG ang biktima matapos siyang makapagbigay ng ₱95,000 sa tatlong transaksyon, at pinipilit pang magbigay ng karagdagang ₱80,000.

Ang mga arestadong suspek ay sasampahan ng swindling/estafa, robbery with intimidation, at paggamit ng pekeng pangalan, lahat kaugnay ng paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

Paalala ni ACG Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia sa publiko, maging mapanuri sa mga nakikila lang sa internet, partikular sa mga nanghihingi ng pera, at i-report agad sa mga awtoridad ang anumang suspicious activity.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us