Presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng Tayug, nasa P42 hanggang  P45 kada kilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Fely Agabao ng Cachero Tibayan Rice Retailer, wala pang gaanong nagbebenta ng palay sa Tayug kung saan ang may-ari ng bigasan bumibili ng palay at ay mayroon ding rice mill.

Mula dito sa bayan ng Tayug at karatig bayan ang pinagmumulan ng kanilang paninda kung saan sa ngayon ay wala pang gaanong nagbebenta ng palay.

Nanatiling mataas ang presyo ng kanilang paninda ngunit mayron namang mabibili ang mga consumer na P42 -P45  kada kilo ng regular milled at P45 sa kada kilo ng well milled rice.

Ayon naman kay Ronald Dalao, ng Dalao Rice Retailer, bahagyang bumaba ang presyo ng kanilang mga panindang bigas ngunit nanatiling nasa P44 sa regular milled at P46 -P48 ang kilo ng well milled rice.

Ang suplay aniya nila ng bigas ay mula pa sa Nueva Ecija at hindi rin gaanong marami ang suplay.

Sa Cabais Obana Rice Retailer, naman nabatid na nagkaroon ng bahagyang pagbaba ngunit kaunti lamang.

Ito ang retailer na nagbebenta ng P42-P45 sa kada kilo ng well milled rice .

Sa kasalukuyan ay walang nagbebenta ng P41 pababa sa kada kilo ng bigas sa bayan ng Tayug. | ulat ni Leslie Gemino | RP1 Tayug

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us