PNP, may babala sa mga kandidato sa Barangay at SK elections na magbabayad ng “permit to campaign” sa mga rebelde

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mapatutunayang nakikipagsabwatan sa mga Communist Terrorist Group (CTG).

Ito, ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ay sa anyo ng pagbabayad ng tinatawag na “permit to campaign” sa mga rebelde sa sandaling umarangkada na ang pangangampanya simula bukas, October 19 hanggang 28.

Ayon kay Acorda, mahigpit nilang binabantayan sa ngayon ang mga kandidato na lalabag sa mga itinatadhana ng Omnibus Election Code kabilang na ang “permit to campaign” bilang ang PNP naman ay deputized agency ng Commission on Elections (COMELEC).

Bukod sa pagbabayad ng “permit to campaign” sa mga rebelde, tututukan din ng PNP ang “vote buying” o pamimili ng boto ng mga kandidato bilang bahagi naman ng binuong Task Force Kontra Bigay katuwang ng COMELEC, kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Batay sa pinakahuling datos ng PNP, aabot sa 356 na Barangay sa buong bansa ang isinailalim na nila sa Red Category, aabot naman sa 1,325 ang inilagay sa Orange Category habang nasa 1,196 naman ang mga Barangay na isinailalim sa Yellow Category. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us