DSWD, tututukan ang pagbabalik serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Socorro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibabalik ang pangangasiwa ng pamahalaaan sa mga miyembro ng kontrobersyal na Socorro Bayanihan Services Inc.

Sa isang inter-agency meeting, ipinunto ng kalihim na mahalagang maibalik ang pamamahala sa lugar nang agad ding umusad ang tulong lalo na sa mga kabataang pinagkaitan doon ng edukasyon.

“The national government will bring back governance in the area. Life and governance must go on inside the premises of the Socorro Bayanihan Services Inc,” ani Secretary Gatchalian.

Ayon sa kalihim, mayroon nang nilikhang composite team na kinabibilangan ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DOH), Department of Education (DepEd), at DSWD na mangongolekta sa baseline data pagdating sa lagay ng kalusugan at pati na ang literacy status ng mga kabataan at mga kababaihan sa Sitio Kapihan, sa Socorro, Surigao del Norte.

Gagamitin ang datos na ito para sa magiging tulong ng pamahalaan sa mga residente ng lugar.

“These will serve as the foundation for the government’s strategy on how it would begin to appropriately intervene on behalf of the Socorro Bayanihan members’ livelihood, health, and educational needs,” dagdag pa ni Secretary Gatchalian.

Sa parte ng DSWD, pangangasiwaan nito ang pagbibigay ng intervention sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS) program para makabuo ng learning at health facilities sa lugar.

Ipatutupad din ng DSWD ang Sustainable Livelihood program (SLP) at Cash-for-Work program para mabigyan ng pangkabuhayan ang mga residente ng Socorro.

“The DSWD’s goal in working with other line agencies is to restore human life in the area with dignity through livelihood, health, and education,” ayon pa kay Gatchalian.

Sa datos ng DSWD, mayroong kabuuang 909 na households o katumbas ng 3,184 indibidwal ang miyembro ng Socorro Bayanihan Services, Inc.

Sa bilang na ito, higit 1,000 ang menor de edad habang higit 500 naman ang kababaihan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us