Dagdag na mga tauhan sa mga paliparan, ipatutupad ng BI para sa BSKE at Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdami ng mga pasahero para sa darating na holiday, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, at Undas.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kanilang pinaghahandaan ang long weekend na magsisimula ng October 28 hanggang November 5.

Ito ay dahil gaganapin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, October 30, habang ang All Saints’ Day at All Souls’ Day ay sa November 1 at 2, Miyerkules at Huwebes.

Idineklara ang October 30 bilang Special Non-Working Day alinsunod sa Proclamation No. 359, kasunod ng November 1 at 2.

Sinabi ni Tansingco na hindi rin papayagang umalis ang mga empleyado ng BI mula November 15, 2023 hanggang January 15, 2024 para sa panahon ng Pasko.

Aniya, inaasahang lolobo ng hanggang apat na milyong pasahero ang darating sa bansa sa fourth quarter ng taon. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us