7 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide — BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa pitong baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin.

Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao, Camanci, Batan sa Aklan); karagatan ng Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahahango sa mga naturang katubigan.

Sa kabila nito, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.

Samantala, kinumpirma naman ng BFAR na ligtas na rin sa red tide ang karagatan ng Panay sa Capiz. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us