Borongan beneficiaries, tumanggap ng sahod mula sa TUPAD ng DOLE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 166 na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program beneficiaries ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Lungsod ng Borongan ang tumanggap ng ayuda pinansyal sa isinasagawang TUPAD Payout ng DOLE-Eastern Samar at ng Public Employment Service Office (PESO)-Borongan City sa People’s Center ng Lungsod nung Miyerkules, Oktubre 18, 2023.

Ang naturang mga benepisyaryo ay tumanggap ng Php5,625.00 na ayuda pagkatapos magtrabaho ng labing limang araw sa kanilang barangay na nagtapos nung Martes, Oktubre 17, 2023.

Naging katuwang ang nasabing TUPAD beneficiaries sa isinasasagawang clean-up drive sa kanilang barangay.

Mismo ang DOLE ang tumukoy sa nasabing mga benepisyaryo na nagmula sa Barangay Hebacong at Barangay Divinubo Island, na pawang malayong barangay ng lungsod na dinadayo ng mga turista.| ulat ni Soc Aberia| RP1 Borongan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us