Dalawang OFWs mula sa Israel, nakaranas ng matinding takot at trauma kaya nag-desisyon na umuwi sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matinding takot at trauma ang naranasan ng dalawang overseas Filipino worker na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel.

Kabilang sina Kathleen Tolentino, apat na taong nagtrabaho sa Israel at Mylene Rivera, pitong taong nagtrabaho sa Israel sa 16 OFWs na umuwi sa bansa ngayong araw.

Ang dalawa ay parehong caregivers.

Sa isang pulong balitaan sa NAIA Terminal 3, ibinahagi ng dalawa ang kanilang naranasan sa gitna ng kaguluhan sa Israel.

Anila, sobrang takot ang kanilang naramdaman nang marinig ang sunod-sunod na pagsabog nang umatake ang militanteng grupong Hamas.

Nahirapan din daw magpaalam ang dalawang OFW sa kanilang mga amo dahil sobrang bait ng mga ito. Pero kinailangan nilang itong gawin para sa kanilang naiwang pamilya sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng pamahalaan ang tulong para mga OFW na naipit sa kaguluhan sa Isarel.

Kabilang na rito nabigyan na ng tig-P50,000 na tulong pinansyal ang mga OFW mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Bukod diyan magbibigay din ng tulong ang DSWD, DOH, at TESDA.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us