Comelec, 95% nang nakumpleto ang delivery sa mga rehiyon ng official ballots na gagamitin sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naihatid na ng Commission on Elections (Comelec) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang gagamitin na mga balota para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, 95% nang natatapos ang delivery ng mga official ballot na nagsimula noong nakaraang linggo.

Tanging ang Region 4A, Region 4B at National Capital Region ang kasalukuyang dini-deliver ng kanilang kinuhang courier service company.

Sa paghahatid ng mga official ballot, walang naitala na anumang aberya o problema ang Comelec. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us