Walang nakikitang malaking epekto sa Maharlika Investment Fund (MIF) si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, matapos suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.
Ayon kay Salceda, nasa kapangyarihan naman ng ehekutibo na ipatupad ang suspensyon lalo na kung may nakikita itong isyu sa IRR.
Mas maigi rin aniya na ngayon na ito gawin kaysa sa gitna ng full implementation ng MIF.
“That is the President’s exercise of Executive discretion well within his power. The letter of the law will still be followed without exception. But the IRR should anticipate future issues. If he sees issues in Executive branch’s IRR draft, he can resolve them. Better to do so before full implementation. Don’t overthink this. It’s the Executive Branch working things among themselves, as is proper at this stage of the law’s implementation.” sabi ni Salceda
Tiwala rin si Salceda, na on track pa rin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng MIF sa pagtatapos ng taon.
Oras na maisabatas na rin ang bagong PPP Code ay tiyak aniya na bubuhos ang direct investments sa bansa sa 2024.
“We are still on track to get the ball rolling by the end of this year. With the PPP Code to be enacted this year, I also expect very direct investments in development projects in 2024.” dagdag ni Salceda
Ang direktiba ng Pangulo na suspindihin ang IRR ay para malinaw na mailatag ang mga safeguard sa IRR para sa transparency at accountability. | ulat ni Kathleen Forbes