Mga returning OFW na naipit sa gulo sa Middle East, tiniyak na mabibigyan ng tulong ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga overseas Filipino worker (OFW), na uuwi sa Pilipinas mula sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian si Undersecretary for Operations Pinky Romualdez na makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers para makuha ang listahan ng returning OFWs.

Katunayan, nagsimula nang mamahagi ang ahensiya sa mga naunang OFW na dumating sa bansa.

Sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, makakatanggap ang mga OFW ng paunang P15,000 hanggang P20,000 ayuda pagdating pa lamang sa bansa.

Pag-uwi naman sa kanilang rehiyon, sinabi ng kalihim na sasailalim  sila sa orientation ng DSWD para sa sustainable livelihood program at pagkakalooban pa uli ng P15,000.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan na tiyaking matulungan ang umuuwing OFWs. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us