Suspensyon ng IRR ng Maharlika Investment Fund, iginagalang ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nirerespesto ng mga senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin muna ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) law.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, kung sa tingin ng Pangulo ay kailangan pang mapag-aralang maigi ang IRR ng naturang batas ay iginagalang nila ito.

Kaisa aniya sila ni Pangulong Marcos Jr. sa pagtitiyak na makakamit ang layunin ng MIF at mailalatag ang mga nararapat na safeguard sa batas.

Para naman kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, good development ang utos na ito ng punong ehekutibo.

Naninindigan si Pimentel, na maraming defects ang batas at sa simula pa lang ay hindi na napag-aralang mabuti ang konseptong ito.

Mainam aniyang nakikinig sa rason ang administrasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us