Tiwala si dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na para sa interes din ng bansa ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na suspindihin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa ambush interview kay Arroyo, sinabi niya na naniniwala siyang may sapat na rason ang Pangulo sa kanilang desisyon.
Ang maiging gawin na lamang aniya ay suportahan ang posisyon ng chief executive.
“The President must have his reasons and I trust his instincts on this so I think there’s nothing to lose if we support the President on the suspension, as he deems appropriate.” ani Arroyo
Tiwala din ito na walang mawawala sa bansa sa desisyon ng Pangulong Marcos Jr.
Nagdesisyon ang chief executive, na ipahinto muna ang IRR ng MIF upang malinaw na mailatag ang mga safeguard nito. | ulat ni Kathleen Forbes