Tatlong areas of concern sa bayan ng Sitangkai, Tawi -Tawi, kinumpirma ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Bash Bandahala, Election Officer ng bayan ng Sitangkai, lima sa siyam na barangay sa nasabing bayan ay may katunggali habang apat sa mga ito ay ‘unopposed’ at tatlong barangay ay idineklarang areas of concern (AOC), ito ay ang barangay Panglima Alari, North Larap, at South Larap.

Dahil dito, umapela si Bandahala sa PES-Comelec Tawi-Tawi na magtalaga ng mga PNP personnel bilang miyembro ng Special Electoral Board sa bawat presinto na itinuturing na ‘area of concern’ para maiwasan ang mga kaguluhan at mapanatiling maayos at payapa ang pagdaraos ng BSKE 2023 Elections.

Samantala, may kabuuang 80 ang bilang ng mga kapulisan ang isinailalim ng Comelec Tawi-Tawi sa pagsasanay para makatulong at handang makapagsilbi bilang special at 3rd member ng Electoral Board para sa darating na halalan. | ulat ni Sharon Jamasali | RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us