Malungkot na kinumpirma ng Departmen of Foreign Affairs (DFA) ang isa na namang Pilipinong nasawi sa patuloy na kaguluhan sa Israel.
Ang kumpirmasyon ay mula kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo matapos makumpirma sa Embahada ng Pilipinas sa Israel.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Secretary Manalo sa pamilya ng namatay na OFW at nangakong magbibigay ng tulong ang national government.
Matatandaang ito na ang ikaapat na Pilipinong binawian ng buhay buhat ng mag-umpisa ang kaguluhan sa pagitan ng grupong Hamas at Israel. | ulat ni AJ Ignacio