Kamara, hindi palalagpasin ang pagbabanta sa miyembro nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa ang Kamara na tindigan at harapin ang sinumang nagbabanta o nananakot sa alinmang miyembro nito, ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe.

Sa isang panayam, natanong si Dalipe kung susuportahan ng Kamara si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa pagsasampa ng kasong grave threats laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos magbitiw ng tila pagbabanta si dating Pangulong Duterte kay Castro sa isang television interview.

“I think the House will be united to stop all of these statements that are not really needed to be issued by any person,” ani Dalipe.

Sinabi ni Dalipe na ang pananakot sa mga miyembro ng Kongreso ay katulad din ng isang bomb hoax sa airport na ipinagbabawal ng batas.

Isang seryosong usapin aniya ito at hindi nila nais na sinumang opisyal ng pamahalaan ay makatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

“We do not want that anybody would just issue a death threat to any senator or to any congressman, or even to the President of the Philippines, Vice President of the Philippines. Hindi po puwede. Parang pumupunta ka sa airport tapos sasabihin mo may dala-dala kang bomba na it’s just a joke, so the House takes that threat seriously,” wika pa nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us