Umakyat na sa ₱28-billion ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 47,000 anti-drug operations nito mula July 1, 2022 hanggang September 31, 2023.
Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa 3,795 kilo, 38.26 kilo ng cocaine, higit 52,000 piraso ng ecstasy, at 2,755 kilo ng marijuana.
Kaugnay nito, umabot na rin sa 4,468 ang mga nahuling high value individual.
Samantala, nasa 27,799 na rin ang mga idineklarang drug-cleared barangays sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa